Kung hindi man hayag sa kaalaman ng ilan, may mga indibidwal na naniniwalang hindi—hindi tayo Malaya sa kabila ng isandaan at labing isang taong pagdiriwang nito. Magandang mapakinggan ang dahilan nang mapagnilay-nilayan.
Sa loob ng tatlong daan at tatlumpu't tatlong taong pagnanakaw ng ating kalayaan ng mga Kastila, tinubos tayo ng Amerika sa pamamagitan ng pwersa. Ang sabi pa’y sila ang nagbalik ng ating kalayaan na matagal ding ipinaglaban ng ating mga kababayan. Ngunit pagkatapos ng pagkakatubos na iyon, lumaya nga ba tayo at nagkaroon ng totoong kasarinlan? May mga nagsasabing hindi dahil ang kultura ng ating tagapagtanggol ay talaga namang kitang-kita sa sistema ng bawat Pilipino. Sa pananamit, mula ulo hanggang paa, kultura ng Amerika. Sinusukat na rin ang katalinuhan ng isang Pilipino kung gaano siya kagaling magsalita ng inggles—maging ang antas ng pinag-aralan. Magkapilipilipit man ang mga dila, pipilitin talagang bigkasin ang “f” at “v” ng tama kung ayaw mong matawag na pulpol. Sa puntong ‘to, may kasarinlan ba tayo?
Noong napalaya tayo mula sa mapanupil na pamamahala ng mga Kastila, ano kaya ng naging kahulugan ng salitang KALAYAAN? Nakapagpahayag na ba ng saloobin ang bawat Pilipino? Nagawa na ba nila ang mga bagay na gusto nila alinsunod sa makataong batas? Tayong mga nabubuhay sa kasalukuyan, hindi natin alam ang pakiramdam nang muling iwagayway ang ating bandila tanda ng kalayaan. Pa’no nga naman natin malalaman eh, hindi naman natin naranasan ang naging kalupitan.
Sa kasalukuyan, hindi na lang iilan ang hindi naniniwala sa salitang kalayaan. Siguro dahil ‘yon sa nagising na tayong may laya. Magiging mas appreciative kaya tayo sa layang nasa’tin ngayon kung nabuhay tayo noon? Mula sa mga Kastila, ang sabi ay tinubos tayo ng Amerika. Idineklara ang Martail Law. Pagkakaisa, paninindigan, at pakikipaglaban ng mga Pilipino ang bumali sa batas na ito.
Dalawampu’t tatlong taon matapos ang Martial Law, Malaya ba tayo?# 092109
No comments:
Post a Comment