Ganyan ka na ba kahirap? (pati thank you hindi mo maibigay)

     "Thank You", "Salamat". Simpleng mga salita na nararapat sabihin kapag ginawan ka ng pabor, kapag may ibinigay sa'yo, o kahit may sinabi lang na maganda. Madali lang namang sabihin, iilang pantig na kapag nabanggit sa tamang panahon, tamang pagkakataon, ng tamang tao sa tamang tao, at totoo sa loob mo, napakalaki ng impact. 

     Pero bakit nga ba hindi kayang sabihin yan ng bawat tao?

     Noong isang araw, sa tindahan, nangutang ang isang binata, inutusan daw ng lola niya. Nang maibigay na ang mga pinangutang na halata namang pantawid pananghalian nila, lumarga na siya nang walang ano man. Walang thank you, walang salamat, wala nga kahit tango, eh.

     Naisip ko, hindi ba ginawan naman s'ya ng mabuti nung nagpautang sa kanya? Hindi siguro naturuan na magpasalamat.

     Sa jeep kapag bumabyahe ako, (since commuter naman talaga ako), marami akong nakakasakay na mga taong hindi alam bigkasin ang salitang thank you. "bayad, oh, bayad!" galit pa kapag hindi agad inabot yung bayad nila, pag inabot mo na, padabog pang ilalagay sa kamay mo, at hindi pa diyan nagtatapos, sisimangutan ka pa niyan na parang sinasabing "ang tagal-tagal mo naman abutin yung bayad ko."

     Ganito na ba kahirap ang mga Pilipino? Kahit sa kagandahang-asal salat na rin.

     Meron naman isang beses, yung lalaki inaabot niya yung bayad niya, "bayad oh, kunin niyo na, wala namang tae yan, eh". At kapareho nung unang eksena, galit pa sayo kapag ikaw yung unang nakaisip na abutin yung bayad niya dahil kawawa naman siya kung kakailanganin niya pang lumapit sa drayber mula sa pwesto niya sa pinaka-pwet ng jeep.

     Teka nga pala, bakit nga ba karamihan ng mga tao na sumasakay sa jeep eh gustong sa dulo sila lagi? Magsisiksikan sa dulo kahit na maluwang naman dun malapit kay Manong driver. Dahil ba ayaw nilang mag-abot ng bayad ng mga taong badtrip? Eh bakit kahit yung mga sumasakay sa jeep na byaheng Antipolo simbahan na sa kundoktor na nakasabit sa likod nagbabayad eh ganyan pa din? Hmmm...

     Kung bawat tao lang sana na sumasakay sa jeep ay nagpa-paki sa pag-abot ng bayad nila at nagpapasalamat pagkatapos, (dahil hindi naman trabaho ng mga kasakay mo na iabot yang bayad mo), wala  na sanang badtrip sa umaga.

   

2 comments:

5 Days in Seoul: Day 3 - Nami Island, Petite France, and Myeongdong (Part 2 of 3)

Petite France, Gyeonggi Province, South Korea From Nami Island to Petit France, we simply rode the ferry back out then walked back to ...