Ang RH Bill at Ang Pag-protekta sa Buhay

     Mainit na usapan ngayon ang RH Bill, hindi kasi katulad ng ibang batas na naipanukala, ang pagpasa o hindi ng RH Bill ay makakaapekto sa mas maraming Pilipino--hindi lang iilang nakakaintindi sa batas na ginawa nila. Pro, Anti, o Undecided ka man, may opinyon ka pa rin dito.
   
     Sigaw ng mga Pro-RH Bill, dapat na itong ipasa para mapigilan o mabawasan man lang ang bilang ng populasyon ng mga Pilipino dahil hindi na nga kayang tustusan ng gobyerno ang lumulobong bilang ng mamamayang kailangan nilang pangalagaan (kung yun man ang ginagawa nila). Mas dumarami na kasi ngayon ang nagugutom at naghihirap na mga pamilya, at ang isang bagay na ipinagkakatulad ng mga mahihirap sa bansa natin ay ang pagkakaroon nila ng maraming mga anak.

     "Walang mapagkaabalahan, eh", isa sa mga katwiran ng mga mag-asawa kung bakit dumami ng isang dosena ng mga anak nila. Wala kasi silang trabaho, mula dito, tuloy-tuloy na, dugtong-dugtong, parang dominong isa-isang bumabagsak mula sa iisang pagtulak.

     Ito ang layon ng RH Bill na matugunan, ito mismong tuloy-tuloy, sunod-sunod na problema na nakapalibot sa salitang kahirapan. Kapag naisa-batas ang paggamit ng mga artipisyal na pagpigil sa pagbubuntis ng isang babae, mapipigilang madagdagan pa ang ating populasyon, mapipigilan ang pagdami ng anak ng mga mahihirap. Kapag kakaunti ang anak, mas makakayanan ng bawat mag-asawa na buhayin ng maayos ang kanilang anak. Mas matututukan, 'ika nga.

     Ayon naman sa Anti-RH Bill, ayaw nilang maisa-batas ang panukala. Labag ito sa iniutos ng Dakilang Lumikha na Humayo at Magparami. Kailangan nating iligtas, protektahan ang buhay. Sa pagpigil sa isang buhay na umusbong sa sinupupunan ng isang babae, isa nang kasalanan at paglabag sa iniutos ng Diyos.





     Pero ano nga ba ang buhay na dapat na protektahan? Iyong hindi pa nabubuo sa sinapupunan na hindi hinayaang makalasap ng buhay? O ang buhay mismo ng mga batang nagugutom, hindi nakakapag-aral, walang wastong kasuotan, walang maaasahang bubong na masisilungan, at walang maliwanag na kinabukasan dahil sa kahirapan?

     Sa usapin ng RH Bill, buhay ang pinaka-pinag-uusapan, pinaka-tinatalakay. Kung ano man ang pakahulugan mo sa salitang buhay, dun mo ibatay kung Pro ka ba o Anti.


Credits to Google for the pictures.


Xerlynjoy Lanaza
August 22, 2011 2:11pm

Korn Live in Manila! (re-posted)

 An hour and a half has passed but it doesn’t feel like it. It’s as though the event is just beginning and your ears are craving for their anthems and melodies, your body wants to dance to every drum beat, and you, you just wanna sing along. 



Unexpected it is, but I am with the crowd when the NU Metal band, Korn rocks Araneta Coliseum last night, August 10, 2011. I’m not a fan of any degree, I don’t even know a single song the band has propelled to their fans’ favorite list but, thanks to a VERY good friend, EULA DENNISA PERALTA VALDEZ, I enjoyed the night, the experience, the music, the fans, and the band. 


Wearing a school-girl-cut red and black checkered skirt (I’d call it a skirt), Jonathan Davis, the band’s front man came out, and the crowd’s uproar is expected. Well, not because of the skirt, I suppose. When the lights died down, fans know that it signifies the start of the anticipated phenomenon to occur, also for the Rap Metal band Slapshock who looks up to Korn as one of their musical influences. And how much more phenomenal could it be for them playing as the front act band for their California-based idols?


Slapshock, the band, and five of their Rakistas-most-favorite-Slapshock anthems, includes Agent Orange, the song which sent them to music aficionados’ consciousness and admittedly, the most Korn-influenced Slapshock song there could ever be, opened the night with pounding drum beats, crying guitar strings, and the undeniable voice of Jamir Garcia. 


Salute to Korn, they succeed on extending this invisible, intangible chord that binds them and their Filipino fans as one. It’s as though their fans are string-attached to every move, every mood, the band has to let loose. I was sent in awe watching every head in the coliseum bang as he is banging his head, every body swinging and bouncing by the pounding rhythm the way it do to his. He screams, “Put your bleep bleep fists in the air!” and you’ll see every fist raised and is moving as one!


Having a play on System of a Down’s song Chop Seuy!, and Queen’s We Will Rock You, Jonathan appearing on stage with his bagpipe, creating the tiniest and longest sound it could, the crowd are all pumped-up. Going on and on for an hour and a half with exemptions of a minute or two to catch their breath, and for the main man to inhale his tanked oxygen (yes, he do have a baon but his is an oxygen he inhales with every chance he got, and that is, when he’s not screaming his lungs out, reciting lyrics of their every anthems). 


Sending flying kisses goodbye, the band members is already throwing their guitar picks and drum sticks into the mosh pit, we know that the fun’s over. 


“Yun na ‘yun?” We wanted MORE!!!


Xerlynjoy Lanaza
Re-posted: August 15, 2011 12:20 pm

Ganyan ka na ba kahirap? (pati thank you hindi mo maibigay)

     "Thank You", "Salamat". Simpleng mga salita na nararapat sabihin kapag ginawan ka ng pabor, kapag may ibinigay sa'yo, o kahit may sinabi lang na maganda. Madali lang namang sabihin, iilang pantig na kapag nabanggit sa tamang panahon, tamang pagkakataon, ng tamang tao sa tamang tao, at totoo sa loob mo, napakalaki ng impact. 

     Pero bakit nga ba hindi kayang sabihin yan ng bawat tao?

     Noong isang araw, sa tindahan, nangutang ang isang binata, inutusan daw ng lola niya. Nang maibigay na ang mga pinangutang na halata namang pantawid pananghalian nila, lumarga na siya nang walang ano man. Walang thank you, walang salamat, wala nga kahit tango, eh.

     Naisip ko, hindi ba ginawan naman s'ya ng mabuti nung nagpautang sa kanya? Hindi siguro naturuan na magpasalamat.

     Sa jeep kapag bumabyahe ako, (since commuter naman talaga ako), marami akong nakakasakay na mga taong hindi alam bigkasin ang salitang thank you. "bayad, oh, bayad!" galit pa kapag hindi agad inabot yung bayad nila, pag inabot mo na, padabog pang ilalagay sa kamay mo, at hindi pa diyan nagtatapos, sisimangutan ka pa niyan na parang sinasabing "ang tagal-tagal mo naman abutin yung bayad ko."

     Ganito na ba kahirap ang mga Pilipino? Kahit sa kagandahang-asal salat na rin.

     Meron naman isang beses, yung lalaki inaabot niya yung bayad niya, "bayad oh, kunin niyo na, wala namang tae yan, eh". At kapareho nung unang eksena, galit pa sayo kapag ikaw yung unang nakaisip na abutin yung bayad niya dahil kawawa naman siya kung kakailanganin niya pang lumapit sa drayber mula sa pwesto niya sa pinaka-pwet ng jeep.

     Teka nga pala, bakit nga ba karamihan ng mga tao na sumasakay sa jeep eh gustong sa dulo sila lagi? Magsisiksikan sa dulo kahit na maluwang naman dun malapit kay Manong driver. Dahil ba ayaw nilang mag-abot ng bayad ng mga taong badtrip? Eh bakit kahit yung mga sumasakay sa jeep na byaheng Antipolo simbahan na sa kundoktor na nakasabit sa likod nagbabayad eh ganyan pa din? Hmmm...

     Kung bawat tao lang sana na sumasakay sa jeep ay nagpa-paki sa pag-abot ng bayad nila at nagpapasalamat pagkatapos, (dahil hindi naman trabaho ng mga kasakay mo na iabot yang bayad mo), wala  na sanang badtrip sa umaga.

   

Malaya nga ba tayo, Pilipino?

Kung hindi man hayag sa kaalaman ng ilan, may mga indibidwal na naniniwalang hindi—hindi tayo Malaya sa kabila ng isandaan at labing isang taong pagdiriwang nito. Magandang mapakinggan ang dahilan nang mapagnilay-nilayan. 

Sa loob ng tatlong daan at tatlumpu't tatlong taong pagnanakaw ng ating kalayaan ng mga Kastila, tinubos tayo ng Amerika sa pamamagitan ng pwersa. Ang sabi pa’y sila ang nagbalik ng ating kalayaan na matagal ding ipinaglaban ng ating mga kababayan. Ngunit pagkatapos ng pagkakatubos na iyon, lumaya nga ba tayo at nagkaroon ng totoong kasarinlan? May mga nagsasabing hindi dahil ang kultura ng ating tagapagtanggol ay talaga namang kitang-kita sa sistema ng bawat Pilipino. Sa pananamit, mula ulo hanggang paa, kultura ng Amerika. Sinusukat na rin ang katalinuhan ng isang Pilipino kung gaano siya kagaling magsalita ng inggles—maging ang antas ng pinag-aralan. Magkapilipilipit man ang mga dila, pipilitin talagang bigkasin ang “f” at “v” ng tama kung ayaw mong matawag na pulpol. Sa puntong ‘to, may kasarinlan ba tayo? 

Noong napalaya tayo mula sa mapanupil na pamamahala ng mga Kastila, ano kaya ng naging kahulugan ng salitang KALAYAAN? Nakapagpahayag na ba ng saloobin ang bawat Pilipino? Nagawa na ba nila ang mga bagay na gusto nila alinsunod sa makataong batas? Tayong mga nabubuhay sa kasalukuyan, hindi natin alam ang pakiramdam nang muling iwagayway ang ating bandila tanda ng kalayaan. Pa’no nga naman natin malalaman eh, hindi naman natin naranasan ang naging kalupitan. 

Sa kasalukuyan, hindi na lang iilan ang hindi naniniwala sa salitang kalayaan. Siguro dahil ‘yon sa nagising na tayong may laya. Magiging mas appreciative kaya tayo sa layang nasa’tin ngayon kung nabuhay tayo noon? Mula sa mga Kastila, ang sabi ay tinubos tayo ng Amerika. Idineklara ang Martail Law. Pagkakaisa, paninindigan, at pakikipaglaban ng mga Pilipino ang bumali sa batas na ito. 

Dalawampu’t tatlong taon matapos ang Martial Law, Malaya ba tayo?# 092109

5 Days in Seoul: Day 3 - Nami Island, Petite France, and Myeongdong (Part 2 of 3)

Petite France, Gyeonggi Province, South Korea From Nami Island to Petit France, we simply rode the ferry back out then walked back to ...