Espesyal ang galang ito dahil:
- Unang akyat ko ‘to. (Hindi
counted ‘yung araw-araw na pag-akyat ko sa kabundukan ng Cupang sa
Antipolo para umuwi.)
- First time sa Benguet
maliban sa Baguio.
- At first (in a long time)
na isusulat ko ang backpacking trip ko sa Tagalog. ^0^
- Ang pinaka-importante sa
lahat, (medyo) on time ang blog entry na ‘to. Hahahaha
Simulan natin ang kwento.
11:30 pm ng July 25, 2015, nakasakay ako sa bus papuntang
Baguio. Past 5 am, damang-dama ko na sa balat ko ang malamig na klima ng lugar.
Pero bago pa man bumaba ng bus, nakangiti na ‘ko – dahil nakabalik ako ulet sa
Baguio. :D
Nauna ‘ko sa mga makakasama ko sa pag-akyat. Sa Pasay kasi
sila sumakay, sa Cubao naman ako. Bago maglagalag, pumasok muna ‘ko sa terminal
para tingnan ‘yung schedule ng mga bus pabalik ng Cubao. Matapos ‘yun, labas na
ulet, bitbit ang bag, naka-ready ang camera.
Syempre importante ang strawberry taho kung pupunta ka sa Baguio. Hehe. Kaya bumili ako. Di ko lang matandaan kung talaga bang 30 pesos na siya 3 years ago.
Naglakad-lakad lang ako hanggang makarating ako sa UP
Baguio. Nakakita ako ng isang cool na kung ano man tawag dun. Haha. Mukha siyang
baga na gawa sa mga green na halaman and I kinda like the thought na may healthy-ng baga sa Baguio (dahil ‘yun
naman talaga ang makukuha mo sa lugar with all those lush green trees and
plants giving off nothing less than fresh and cool air to breathe). Ang cool lang.
Nasa UP pa din ako nung tumawag na si Sir Rai, ‘yung
organizer ng akyat at sinabing nasa terminal na daw sila at nabilhan niya na
din ako ng ticket pabalik ng Cubao. Kewl! Lakad na ‘ko ulet pabalik sa terminal
ng Victory Liner.
(Kilig na kilig ako habang naglalakad kasi may usok na lumalabas sa bibig ko kapag humihinga ako. I'm shallow like this. Haha!)
Inabutan ko sila sa labas ng 7-eleven. Nandun na din ‘yung jeep na sasakyan namin
hanggang sa starting point ng trek. Hinihintay na lang ‘yung guide.
Halos isang oras tumakbo ‘yung jeep bago kami bumaba at
nag-ready nang umakyat. Start pa lang ng trek, assault na agad. Although
sementado yung nilalakaran namin sa simula, wagas pa din 'yung pagkaka-incline
nung daanan. Well, good morning to you too! Haha!
Ang isang importanteng bagay kapag umaakyat ng bundok ay ang tingnan ang nilalakaran mo. Isang maling hakbang, babay mundo ka.
Lakad, akyat, lakad, akyat. Nung medyo mataas na ‘yung
naakyat namin, kahit hinihingal, nakangiti na naman ako. Ang ganda kasi ng
view. Kita ‘yung mga malalayong berdeng bundok, asul na langit, at puting
ulap. (Naks! Pa-deep!) Pero dun pa lang talaga, rewarding na. Pa’no pa nung
narating namin ‘yung summit, di ba? (More on that later.)
Enjoy the pictures! :)
Enjoy the pictures! :)
Sobrang fan ako ng mga puno so... :)
Sobrang ganda lang talaga!
Kinelangan namin mag-reroute dahil sa mga bakang ito. Hehe.
Ang ganda lang!
Kita niyo yung bundok sa likod ko? Lalakarin pa namin 'yan. :)
Ito yung bundok kung saan ako nakatayo sa picture sa taas. Nakababa na kami ng bundok na 'yon tapos nasa taas na ng kasunod na bundok. May nadaanan ulet kaming herd ng mga baka. :)
Love this lone tree. :)
Fog in the middle of the afternoon.
Lakad. Lakad. Lakad.
What do you think happened to this tree? Nakidlatan?
Lakad pa din. :)
Bulaklak sa gitna ng mga damo.
'Di mapigilang 'di magpicture. :)
Thanks Sir Rai for these awesome photos! :)
At narating din namin ang bato. Halos tatlong oras na akyat-baba ng ilang bundok para marating ang batong 'yan. Sobrang worth it. :)
Gumapang ang fog sa itaas.
Start na ng trek pababa. Ang mag-asawang 'yan ang mga kasama kong bumaba. Naiwan pa 'yung iba kasi napuno na ng fog yung paligid nung makarating sila dun sa bato so wala silang makuhang magandang pic. Nauna na kami. :)
Another lone tree. :)
Baby pine tree!
Almost zero visibility. So, 10% visibility? Hehehe
Ganda. Parang entrance sa magical land. Hehehehe.
Akyat ulet!
Muling na-encounter ang mga bakang ito. Kinelangan ulet naming tatlo mag-reroute para iwasan sila. Nanunuwag ba ang mga baka? Hindi namin ni-risk though. Iwas na lang para safe. Hehe.
Nag-start umulan nung malapit na 'ko makababa. Ang mga bulaklak na 'to ang naging guide ko nung hindi ko na alam kung sa'n dadaan. Natandaan kong nadaanan namin 'to nung paakyat. Mag-isa na lang ako this time. Naiwan na 'yung mag-asawa. Walang mapagtatanungan. :)
Matapos ang halos pitong oras na akyat-baba at lakad sa mga bundok, ito ang premyo ko sa sarili ko. Yum!
Session Road
Hindi pwedeng umalis ng Baguio nang hindi muling natitikman ang Choco Leche Flan na ito sa Sizzling Plate sa Session. (Pagkatapos mapadaan sa isang book sale at bumili ng dalawang libro at bumili ng pasalubong sa palengke.)
Sobrang astig at saya ng buong experience. Nakakapagod pero sobrang sarap mamundok. Ang sarap huminga ng sariwa at malamig na hangin. Ang sarap makakita ng pagkadami-daming puno at malapalit sa ulap.
'Di ko alam kung pa'no tatapusin 'tong blog entry, kaya ganito na lang bigla na lang mawawala. :P
No comments:
Post a Comment