Good News. Bad News.

        Kapag nagbuklat ka ng dyaryo ngayon at nagbasa ng mga balita, ano  ba ang una mong nakikita? Kung hindi kaguluhan sa pamahalaan, tiwaling kawani ng gobyerno, mga alagad ng batas na lumalabag din sa mga patakarang dapat ay ipinatutupad nila, ano pa nga ba ang mababasa?
        Kung ayaw mo ng mga balita tungkol sa pulitika, pwedeng-pwede mo namang basahin na lang 'yung tungkol sa batang babaeng na-rape, lalaking pinatay dahil sa selos, nakawan, holdapan, suicide, o nandiyan din naman 'yung banggaan, at iba't-iba pang aksidente na maiisip mong maganap sa mga kalsada sa ating bansa.
        "Bad news is Good news", 'ika nga ng mga manunulat sa mga pahayagan. Bakit? Dahil madaling makuha ang atensyon natin sa mga bagay tulad ng patayan nang dahil sa pinakamaliliit na kadahilanan. Kapag aksidente naman, mas napag-uukulan nating basahin 'yung mga may pinakamaraming namatay, o casualties.
        Ang good news tuloy ngayon sa'tin ay parang ang hirap abutin. Kung may metro tayo na panukat ng interesanteng basahin, masasabi kong basta may picture ka diyan ng lalaking duguan dahil bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang konkretong poste, mapupukaw na agad ang atensyon mo nito. Ano nga ba naman ang pakialam mo sa black and white na pagmumukha ni Romi Garduce? Ano kung naakyat n'ya na ang 7 Summits of the world?
        Our society is sick. How do we cure it?







Xerlynjoy Lanaza
January 11, 2012 9:15am

5 Days in Seoul: Day 3 - Nami Island, Petite France, and Myeongdong (Part 2 of 3)

Petite France, Gyeonggi Province, South Korea From Nami Island to Petit France, we simply rode the ferry back out then walked back to ...